top of page

Rescue Operation

Sabado, June 5, 2021 ganap na ika 12 ng hating gabi ay nagsadya ng MSWDO, kasama ang MDRRM staff patungong Pitogo, Quezon Province. Ganap na ika 8 ng umaga ng nakarating ang aming grupo sa nasabing lugar. Sa halos 8 oras na pag byahe ay nagbunga ng magandang resulta ang aming isinagawang pag sagip sa halos 2 buwang pagkakawala ng isang 14 taong gulang batang babae na residente ng bayan ng Zaragoza. Dito napag alaman namin na sya ay sinama ng isang babae na may edad 23 taong gulang residente sa bayan ng Lapaz Tarlac kasama ang boyfreind nito sa lugar kung saan na kailangan pang tumawid ng dagat upang mapuntahan. Sa tulong ng MSWDO Pitogo Quezon Province muling nag kita ang mag-ina at ngayon kasalukuyang kapiling na ng kanilang pamilya si alyas nene.

Paalala po sa mga magulang lagi po nating alamin kung sino po ang mga kaibigan ganun din kung sino ang palaging nakakasana ng ating nga anak upang maiwasan po ang ganitong pangyayari.

Maraming salamat po sa ating butihing mayor Efren O. Nieves, sa mdrrm officer Carmen Morales na pagtulong at palagiang pag monitor sa aming isinagawang sagip bata. Sa MSWDO Pitogo sa Mdrrm staff Ryan Belmonte at Jun Asuncion at sa MSWDO staff Judith Santos at Veronica Diaz ganundin kay brgy Captain Cristina Paduit at Sangguniang Barangay. Maraming Salamat po.

MSWDO-ZARAGOZA






0 views0 comments

Comments


bottom of page